$this->Post->title('yeah, it’s pays off to see your google page rank');
oo nga naman tama nga naman si poell. ngayon ko lang din napuna na ang PR ko pala nasa 3 na. nakakatuwa na kahit bihira lang ako mag update nakaka aabot ako ng 3. ehehe. sabagay hindi ko naman yun ang habol ko eh ang gusto ko lang naman eh meron akong page rank na 1111. baket 1111? eheheheh eto tingnan nyo!

yup pagerank ko po yan. in binary digit. matagal ko ng ginawa yan source nito kaso lang nakakafrustrate eh. dati ba naman pagerank ko 5 tapos ginawang zero as in 0 talaga. kaya nakaka aasar eh. eh hindi ko na nilabas. at nawalan ako ng gana magblog. ngayon plug ko lang ulet. gamitin nyo po yan binary digits na PR. click here para malaman nyo kung pano nyo po mailalagay yung badge. and sana po link nyo din po ako. salamat po.
saka pala yung http://blog.ramseyramos.net meron na siyang PR1.
kakatuwa naman wala naman laman pero may PR. hehehehe.
salamat. so yun nga wish me luck. more codes to come. ![]()
$this->Post->title('sorry, long time no post');
ngayon lang ata ako nagkaron ng pagkakataon makapag update ng blog.
sobrang bisibisihan na ako eh. kelangan ko na kase matapos lahat - lahat! dahil ang pangit na din ng performance levelan ko. something like nababagalan ako. ewan ko ba kung baket. eto share ko lang.
ang monitor kong may HEPA. baket kamo may Hepa? kase naninilaw na siya. as in ang kulay nya ay sobra sa dilaw. pati yung brightness nya todo na pero mukhang madilim pa din. and sa kabutihan palad ang kubuntu /or linux eh may command na xgamma. well siguro hindi ko na kailangan explain kaayo kase pangalan pa lang ng command alam mo na.
eto po ang syntax.
$ xgamma -rgamma <number> -bgamma <number> -ggamma <number>
para matimpla nyo ang kulay or para sabay sabay na.
$ xgamma -gamma <number>
August 2006 pa siya ganyan. matagal tagal na din ako nagtitiis. pinagtatawanan nga ako nila poell eh. sila nga nagsabi na may Hepa nga daw ang monitor ko. so yun nga habang tumatagal napapansin ko lalo siyang dumidilim at lalong nagiging dilaw. ewan ko ba kung baket. pero nagagamit ko pa naman eh. as long as nakakapag code ako. and nakakapag - run ako ng BERYL! eh masaya na ako sa ganito. kelan ako bibili? hindi ko alam kase may mas pinag lalaanan ako eh.
baket nga pala nagtatagalog ako? hindi tulad ng dati na nose bleed and trying hard englisero. hahaha takte. nahihirapan lang ako. nawawalan na ako ng freewill eh. basta naeexpress ko ang gusto kong sabihin tapos! saka PINOY ako! kahit hindi na ako makasali sa gusto kong salihan. basta makakasigaw ako! hehehe
